Poem

Kami ay pinagsulat ng aming guro ng kahit na anong nasa isip namin

Sinabi rin niya na iwasan naming maging masyadong mapanuri lalo na sa grammar

Tila dapat ay ma “defamiliarize” kami sa mga bagay bagay para malaman talaga ang tunay naming nasa isip

Ang mga bagay gaya ng grammar ay gawa-gawa lamang natin at pinipigilan nito na mailabas ang tunay nating mga damdamin

 

Pagkatapos nito ay pinagawa kami ng tula na hango sa mga nasulat naming mga salita

Narito ang aking ginawang tula:

 

Assignment dito, assignment doon

Exam dito, exam doon

Wala na bang katapusan ang mga pasakit na ito?

Ganito ba talaga ang buhay dito?

 

Ako’y tila nasabik uli sa buhay hayskul

kung saaan kahit d ka mag-aral ay ikaw ay papasa

at maaaring mataas pa ang marka!

Pero ngayon ay nandito ako’t nagkukumahog makakuha lang ng pasang awa!

 

Sa dami ng gagawin ay nawawala na ako sa katinuan

Di ko na kilala ang sarili kong laging nasa tanghalan

Sinasabitan ng medalya tuwing may parangalan

Ngayon ID lace nalang ang tanging nakapulupot sa aking hingahan

 

Kailan kaya matatapos ang pagdurusang ito?

Kailan kaya gagaan ang buhay ko?

Sabik na sabik na akong makapagpahinga

Dahil ang isip at katawan ko ay hapong hapo na

Leave a comment