This is your very first post. Click the Edit link to modify or delete it, or start a new post. If you like, use this post to tell readers why you started this blog and what you plan to do with it.
First blog post
This is the post excerpt.
This is the post excerpt.
This is your very first post. Click the Edit link to modify or delete it, or start a new post. If you like, use this post to tell readers why you started this blog and what you plan to do with it.
Here we made a Tableau while each of us are wearing our own identity mask
The Background is the Train that the College of Arts and Science made for the Foundation Day of UPLB where they won the competition for the float and cash prize of 100,000.00 php
Here is our report:
This is a group activity wherein we discussed what is art and why we create it.
Art is the expression or application of human creative skill and imagination.
WHAT IS ART?
SELF- EXPRESSION
– provides a means to express the imagination in non-grammatic ways that are not tied to the formality of spoken or written language.
– product of a body of knowledge, most often using a set of skills.
REFLECTION OF A MILEU
– reflects and belongs to the period and culture fr om which it is spawned.
INSTRUMENT
– tool for sending messages and the like across various platforms that an artist wants to convey.
WHY MAKE ART?
To spread messages & communicate
Artists have an intent or goal directed toward another individual, and this is a motivated purpose.
Art for propaganda, or commercialism and it can be used to subtly influence popular conceptions or mood.
To invoke thought & instigate debate
Makes people critically think and promptly analyze
Meanings behind pieces of art are open for debate and is talked about
To tell a story from literature, myths, religion, and poetry
Art enables certain areas to thrive by depicting their cultures and practices
To reflect the beauty of nature, a landscape, or city.
Art, a human activity, reflects natural occurences and the environment.
Photography
For political change and social movements.
Raise awareness for various pressing issues in society
Take a political stand
Influence audience
EVOLUTION.
The only constant thing we can all agree upon is that art is always changing. Since we are sentient beings, we need to strive to either find truth or create meaning. Art helps us do that.
Below is the link to our presentation
In light of the anniversary of Martial Law
We made memes about it as to remind everyone what happened
Memes are used to raise awareness among people thru lightly making it kind of “funny”
This way, we can let people realize the social injustices we experienced during the times of Martial Law
In this meme, I focused on the lifestyle of people under Martial law and I compared it to our lifestyle today
Under Martial Law, we had a tough time living our lives
Our actions are very much limited, and we are denied of our freedom of expression
We cannot say anything bad about the Marcoses, or else we may be persecuted or even sentenced to death
The vast development that most Marcos supporters boast about is because of the massive loans that we get from other countries, money that we don’t really own
That’s why we are now suffering the consequences of Marcos’ actions
Most the struggles in living that our fellowmen had through the Marcos’ time are not being experienced by the people nowadays
That is why my Meme is about this difference in lifestyle under Martial Law and now, because I want everyone to atleast remember the hardships our fellowmen needed to overcome just to see another day in their lives
#NeverForget
Kami ay pinagsulat ng aming guro ng kahit na anong nasa isip namin
Sinabi rin niya na iwasan naming maging masyadong mapanuri lalo na sa grammar
Tila dapat ay ma “defamiliarize” kami sa mga bagay bagay para malaman talaga ang tunay naming nasa isip
Ang mga bagay gaya ng grammar ay gawa-gawa lamang natin at pinipigilan nito na mailabas ang tunay nating mga damdamin
Pagkatapos nito ay pinagawa kami ng tula na hango sa mga nasulat naming mga salita
Narito ang aking ginawang tula:
Assignment dito, assignment doon
Exam dito, exam doon
Wala na bang katapusan ang mga pasakit na ito?
Ganito ba talaga ang buhay dito?
Ako’y tila nasabik uli sa buhay hayskul
kung saaan kahit d ka mag-aral ay ikaw ay papasa
at maaaring mataas pa ang marka!
Pero ngayon ay nandito ako’t nagkukumahog makakuha lang ng pasang awa!
Sa dami ng gagawin ay nawawala na ako sa katinuan
Di ko na kilala ang sarili kong laging nasa tanghalan
Sinasabitan ng medalya tuwing may parangalan
Ngayon ID lace nalang ang tanging nakapulupot sa aking hingahan
Kailan kaya matatapos ang pagdurusang ito?
Kailan kaya gagaan ang buhay ko?
Sabik na sabik na akong makapagpahinga
Dahil ang isip at katawan ko ay hapong hapo na
Gumawa kami ng sarili naming maskara
Maskarang magiging representasyon ng aming pagkatao
Unang pumasok sa isip ko kaagad ang matematika
Dahil ito lang talaga ang pinakahilig ko
Makikita sa aking maskara ang mga simbolo sa matematika
Nandito ang mga basic operations gaya ng addition, subtraction, multiplication, at division
Nandito rin ang Calculus kung saan kailangan ang Differential at Integration
Labis akong nasayahan sa konseptong ito dahil tingin ko ito talaga ang maglalarawan sakin
Ang aking maskara ay pinamagatan kong “Divergent”
Dahil kapag sinolve mo ang integral na kasama ang infinity, ito ay tinatawag na gayon
Isa rin sa mga bagay na manghang mangha ako ay ang pagkakatuklas sa Infinity
dahil sa tulong nito kaya nating masagutan kahit na ito ay wala pang katapusan
Ginamit din namin ang mga maskara namin ng aming grupo upang gumawa ng tableau
Ang aming tableau ay aking ipapakita sa mga susunod kong post
Ito ang araw na wala akong ideya sa gagawin
pinagdala lang kami ng pangkulay at papel
at sa puntong iyon ay dinampi ko sa papel ang aking pangkulay
at hinayaan kong kumilos ang kamay ko mag-isa
Ang aking obra ay pinangalanan kong “Discord”
Dahil wala akong nabuong imahe dito
Sadyang kaguluhan lamang ang masisilayan mo dito
at sa puntong ito ay napagtanto ko ang nais ipahiwatig ng aming gawaing ito
Ang nagawa kong sining ay may kinalaman sa iniisip ko noon
Noon, gulong gulo ang aking isipan sa sobrang daming gawain
Nagulat din ako sa bagong kapaligiran sa UP at bagong buhay ko dito
Akala ko dati ay mahirap lang, ngunit kulang pa pala ang salitang ito upang mailarawan ang tunay na estado ng isang estudyante dito
Nakamamatay. Ganyan ko mailalarawan ang buhay sa UP
Dahil ditox gulong gulo nako lalo na sa mga panahong ginagawa ko ang obrang ito
Naghahalo-halo na sa isipan ko ang mga dapat gawin at ipasa
Kaya ang utak ko parang ang obra ko mismo, na nasa estado ng “Discord”
Rosas ng Digma, and unang kantang pinakinggan namin sa klase
Ito ang kantang umantig sa aking damdamin hindi lang dahil sa mensahe
kundi pati sa ganda ng mismong pagkakagawa sa mismong kanta
Hindi lang dahil sa mensahe nagiging “art” ang mga kanta
kundi dahil mismo sa ganda ng pinagsama-samang tunog nito kaya’t ito ay nagiging isang sining
matapos naming pakinggan ang kanta ay gumawa kami ng reflection paper dito
Eto ang aking reflection paper ukol sa kantang ito:
Reflection Paper
Rosas ng Digma
by Musikang Bayan
Tunog palang ng kantang ito ay makakahanap ka na ng kapayapaan. Sa mabagal na melody nito ay matatanto mo ang sarap ng mabuhay at mapapaisip ka sa mga bagay bagay may kinalaman sa buhay. Ang mga tunog na nandito ay perpekto sa isa’t isa kaya masasabi mo talaga na ito ay isang napakagandang uri ng sining, kahit wala pa itong lyrics.
Naantig din ang aking damdamin sa mensahe ng kantang ito. Ang bawat talata ay sadyang napakaganda at tila hinihipo nito ang aking puso upang baguhin ito at lalong gawing isang makabayan. Isinilang man siya sa panahon ng digmaan, hindi siya nag atubiling gampanin ang kanyang tungkulin sa ating Inang Bayan. Hindi siya natakot na harapin ang bawat pagsubok kahit gaano man ito kahirap. Naaalala ko dito ang ating mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating Bayan. Naisip ko din ang mga sundalong lumaban para sa ating kalayaan, hindi lamang noong panahon ng digmaan sa mga dayuhan, ngunit pati narin sa mga terorista gaya ng Maute group. Dahil dito ay aking napgtanto na buhay man ang kapalit, lahat ay aking gagawin para sa ating Inang Bayan.
Nasambit din sa kanta ang tungkol sa isang “rosas” na kanyang minahal. Ang babae ay tulad ng hardin na kanyang labis na hinangaan. Dahil ditto ay napaisip ako kung tunay bang hadlang ang digmaan sa dalawang taong nagmamahalan? Kaya tayo nagmamahal ng isang tao ay para may makasama tayo sa ating buhay, ngunit kung lagging pinaglalayo ng digmaan ang dalawang taong nagmamahalan, dapat pa bai tong ipaglaban o hayaan nalang na mawala o maghanap ng iba? Para sa akin, kung tunay mong mahal ang isang tao, handa mo siyang ipaglaban maging sa digmaan. Mas matimbang sa akin ang pag-ibig sa bayan kaysa sa romantikong pag-ibig. Sa kanta, lagi rin siyang nasasabik na makasama ang binibining na kanyang mahal, na ang kagandahan ay hinding-hindi malalanta o kukupas. Gandang “nahubog ng masa” na para sa akin ay nagsasabing siya ay simple at tipikal na dalagang pilipina na mahinhin at may magandang kalooban. Gaya ng lahat ng mahalaga sa atin, handa niya itong ingatan. Sino ba naman ang hindi mag-iingat sa taong mahal niya? Ako rin ay handing gawin ang lahat para sa mga mahal ko sa buhay. Ang mga mahal natin sa buhay ay ang kislap ng bituin na gumabagay sa atin sa gabing madilim. Mahirap man alamin ang tamang landas, lagi silang nariyan para sa atin.
Ang napuna ko lamang sa kanta ay ang paghahalintulad niya sa babae bilang rosas. Ito ay maaaring magbigay ng mensahe ng sexism. Gaya ng ibang mga bulaklak, ang rosas ay kailangan ng pag-aaruga ng iba upang mabuhay. Parang ipinahihiwatig nito na mahina ang mga babae at hindi kayang lumaban para sa bayan o mabuhay ng mag-isa. Isa pa dito ay ang pariralang “hardin ng digma”. Tunay mang maganda at makatarungan ang ipinaglalaban sa isang digmaan, wala itong gandang gaya ng sa isang hardin na puno ng kagandahan at kapayapaan. Sa digmaan, hindi maiiwasan ang pagdanak ng dugo at kamatayan, na kailanman ay hindi maganda para sa alin mang panig. Bilang pagtatapos, nais ko lamang ipabatid sa lahat na sana ay huwag nating kalimutan ang pagmamahal sa bayan kahit nasaan man tayong sulok ng mundo.
Paano mo sasabihin sa mahal mo na mahal mo siya,
kung bawal mong sabihing “mahal kita”?
Sabi nga nila, “Action speaks louder than words”
Kaya maaari mong ipakita sa kanya ito gamit ang iyong mabuting pag-aaruga
Ganito rin ang puso ng ekphrasis
Kung saan tila mayroong isang sining na ikaw lang ang nakakita
Pero gusto mo itong “ipakita” sa iba
Gamit lamang ang sarili mong salita
Kasama na dito ang kulay, dimensyon, kagandahan, at natagong mensahe ng akda
na dapat mong maibuod sa pamamagitan lamang ng pagsulat o pagsalita
Marahil ito ay tila magulo pa sa iyong isipan
Kaya eto ang isang halimbawa para lubusang maindihan:
Itak sa Puso ni Mang Juan
By Delotavo
Ekphrasis
Tila isang hakbang nalang at kakawitin na
Ng tila-itak na dulo ng letrang “C” ang dibdib ng isang matanda
sa tapat nito ay tigmak ng pula
mga kulumpon ng dugong pumatak mula sa puso ng mama
Ang taong ito ay patungo sa kaliwa
Hikahos sa sinapit na tadhana
Hawak niya ang kanyang siko sa kanyang likuran
Habang siya ay tila patungo sa kawalan
Lahat ng kanyang lakas at kasiglahan
Sinipsip na ng kompanya ng Coke na tapat na pinaglingkuran
Ngunit lahat ng pagod ay parang hindi nakikita
Ng mga amo niyang sa isip ay puro pera
Hindi na niya kayang buhatin pa ang sariling bigat
Nakahukos, nakatingin sa lupang pinanggalingan
Tila tinatawag na siya upang kanlungin
At ang hapong katawan ay tuluyan ng mawawalan ng hangin
May kulay dugo sa pader sa gilid ng daan
Na kanyang tinatahak patungo sa kasaganahan
Ngunit tunay bang may patutunguhan
Ang pagod na kuripot kung suklian?
Ang dulo ng Letrang “C” sa “Coca-cola”
Nakatutok sa puso ng matanda
Habang sa pader ang dugo ay nagmantsa
Tanda ng sinapit na hirap ng manggagawa
Makakamtan pa kaya ang kasaganahan
Kung habambuhay lang na kontratahan?
Kung ang sahod lamang ay sobrang sakto
Paano pa kaya kung magkasakit ang mga tao?
Dahil ba “zero” and sugar sa produkto,
Kailangang “zero” din ang benepisyo?
Hindi ba pwedeng i-regular ang mga manggagawa
Upang hindi na maging kaawa-awa
Ano ba ang sining?
Lahat ba ng saklaw ng iyong paningin ay isang sining?
Lahat ba ng iyong nalalasap ay uri ng sining?
May hangganan ba ang sakop nito?
Noong ako ay bata pa
Nakatatak na sa isip ko na lahat ng bagay na gawa ng Diyos ay maganda
at lahat ng maganda ay sining
Kaya noon lahat ng bagay para sa akin ay sining
Ngayong pagtungtong ko ng kolehiyo
Nabago ang pananaw ko sa mundo
Lalo na sa pagkakakilala ko sa sining
Namulat ako sa tunay nitong ibig sabihin
Ang tunay na sining pala
ay gawa lang ng tao at pinag isipan niya
Dahil kahit na gaano kaganda kalikasan
Kung hindi ito ginalaw ng tao ay hindi ito isang sining
Para sa lubusan nating pag unawa
Labis na makakatulong ang halimbawa
Tulad ng mga sanga na nahulog sa lupa
Ito lamang ay magiging sining kapag inayos ng tao
Ang Isko’t iska na uri ng dula
ay sining dahil pinag isipan ng may-akda
may istoryang sinunod at inilathala
upang mapanood ng mga isko’t iska
Samakatuwid ang sining ay likha ng tao
Pinag-isipan, pinagplanuhan ng todo
Upang makapukaw ng damdamin
at ating pagnilay-nilayin