TABLEAU

Here we made a Tableau while each of us are wearing our own identity mask

The Background is the Train that the College of Arts and Science made for the Foundation Day of UPLB where they won the competition for the float and cash prize of 100,000.00 php

What is Art?

This is a group activity wherein we discussed what is art and why we create it.

Art is the expression or application of human creative skill and imagination.

WHAT IS ART?

SELF- EXPRESSION
– provides a means to express the imagination in non-grammatic ways that are not tied to the formality of spoken or written language.

– product of a body of knowledge, most often using a set of skills.

 

REFLECTION OF A MILEU

– reflects and belongs to the period and culture fr om which it is spawned.

 

INSTRUMENT

– tool for sending messages and the like across various platforms that an artist wants to convey.

 

WHY MAKE ART?

To spread messages & communicate
Artists have an  intent or goal directed toward another individual, and this is a motivated purpose.

Art for propaganda, or commercialism and it can be used to subtly influence popular conceptions or mood.

To invoke thought & instigate debate

Makes people critically think and promptly analyze

Meanings behind pieces of art are open for debate and is talked about

 

To tell a story from literature, myths, religion, and poetry

Art enables certain areas to thrive by depicting their cultures and practices

 

To reflect the beauty of nature, a landscape, or city.

Art, a human activity, reflects natural occurences and the environment.

Photography

 

For political change and social movements.

Raise awareness for various pressing issues in society

Take a political stand

Influence audience

 

EVOLUTION.

The only constant thing we can all agree upon is that art is always changing. Since we are sentient beings, we need to strive to either find truth or create meaning. Art helps us do that.

 

Below is the link to our presentation

What is Art

Martial Law Meme

In light of the anniversary of Martial Law

We made memes about it as to remind everyone what happened

Memes are used to raise awareness among people thru lightly making it kind of “funny”

This way, we can let people realize the social injustices we experienced during the times of Martial Law

 

In this meme, I focused on the lifestyle of people under Martial law and I compared it to our lifestyle today

Under Martial Law, we had a tough time living our lives

Our actions are very much limited, and we are denied of our freedom of expression

We cannot say anything bad about the Marcoses, or else we may be persecuted or even sentenced to death

The vast development that most Marcos supporters boast about is because of the massive loans that we get from other countries, money that we don’t really own

That’s why we are now suffering the consequences of Marcos’ actions

Most the struggles in living that our fellowmen had through the Marcos’ time are not being experienced by the people nowadays

That is why my Meme is about this difference in lifestyle under Martial Law and now, because I want everyone to atleast remember the hardships our fellowmen needed to overcome just to see another day in their lives

#NeverForget

Poem

Kami ay pinagsulat ng aming guro ng kahit na anong nasa isip namin

Sinabi rin niya na iwasan naming maging masyadong mapanuri lalo na sa grammar

Tila dapat ay ma “defamiliarize” kami sa mga bagay bagay para malaman talaga ang tunay naming nasa isip

Ang mga bagay gaya ng grammar ay gawa-gawa lamang natin at pinipigilan nito na mailabas ang tunay nating mga damdamin

 

Pagkatapos nito ay pinagawa kami ng tula na hango sa mga nasulat naming mga salita

Narito ang aking ginawang tula:

 

Assignment dito, assignment doon

Exam dito, exam doon

Wala na bang katapusan ang mga pasakit na ito?

Ganito ba talaga ang buhay dito?

 

Ako’y tila nasabik uli sa buhay hayskul

kung saaan kahit d ka mag-aral ay ikaw ay papasa

at maaaring mataas pa ang marka!

Pero ngayon ay nandito ako’t nagkukumahog makakuha lang ng pasang awa!

 

Sa dami ng gagawin ay nawawala na ako sa katinuan

Di ko na kilala ang sarili kong laging nasa tanghalan

Sinasabitan ng medalya tuwing may parangalan

Ngayon ID lace nalang ang tanging nakapulupot sa aking hingahan

 

Kailan kaya matatapos ang pagdurusang ito?

Kailan kaya gagaan ang buhay ko?

Sabik na sabik na akong makapagpahinga

Dahil ang isip at katawan ko ay hapong hapo na

Identity Mask

Gumawa kami ng sarili naming maskara

Maskarang magiging representasyon ng aming pagkatao

Unang pumasok sa isip ko kaagad ang matematika

Dahil ito lang talaga ang pinakahilig ko

 

Makikita sa aking maskara ang mga simbolo sa matematika

Nandito ang mga basic operations gaya ng addition, subtraction, multiplication, at division

Nandito rin ang Calculus kung saan kailangan ang Differential at Integration

Labis akong nasayahan sa konseptong ito dahil tingin ko ito talaga ang maglalarawan sakin

 

Ang aking maskara ay pinamagatan kong “Divergent”

Dahil kapag sinolve mo ang integral na kasama ang infinity, ito ay tinatawag na gayon

Isa rin sa mga bagay na manghang mangha ako ay ang pagkakatuklas sa Infinity

dahil sa tulong nito kaya nating masagutan kahit na ito ay wala pang katapusan

 

Ginamit din namin ang mga maskara namin ng aming grupo upang gumawa ng tableau

Ang aming tableau ay aking ipapakita sa mga susunod kong post

 

Self-expression

Ito ang araw na wala akong ideya sa gagawin

pinagdala lang kami ng pangkulay at papel

at sa puntong iyon ay dinampi ko sa papel ang aking pangkulay

at hinayaan kong kumilos ang kamay ko mag-isa

 

Ang aking obra ay pinangalanan kong “Discord”

Dahil wala akong nabuong imahe dito

Sadyang kaguluhan lamang ang masisilayan mo dito

at sa puntong ito ay napagtanto ko ang nais ipahiwatig ng aming gawaing ito

 

Ang nagawa kong sining ay may kinalaman sa iniisip ko noon

Noon, gulong gulo ang aking isipan sa sobrang daming gawain

Nagulat din ako sa bagong kapaligiran sa UP at bagong buhay ko dito

Akala ko dati ay mahirap lang, ngunit kulang pa pala ang salitang ito upang mailarawan ang tunay na estado ng isang estudyante dito

 

Nakamamatay. Ganyan ko mailalarawan ang buhay sa UP

Dahil ditox gulong gulo nako lalo na sa mga panahong ginagawa ko ang obrang ito

Naghahalo-halo na sa isipan ko ang mga dapat gawin at ipasa

Kaya ang utak ko parang ang obra ko mismo, na nasa estado ng “Discord”

Rosas ng Digma

Rosas ng Digma, and unang kantang pinakinggan namin sa klase

Ito ang kantang umantig sa aking damdamin hindi lang dahil sa mensahe

kundi pati sa ganda ng mismong pagkakagawa sa mismong kanta

Hindi lang dahil sa mensahe nagiging “art” ang mga kanta

kundi dahil mismo sa ganda ng pinagsama-samang tunog nito kaya’t ito ay nagiging isang sining

matapos naming pakinggan ang kanta ay gumawa kami ng reflection paper dito

Eto ang aking reflection paper ukol sa kantang ito:

 

Reflection Paper

Rosas ng Digma

by Musikang Bayan

 

Tunog palang ng kantang ito ay makakahanap ka na ng kapayapaan. Sa mabagal na melody nito ay matatanto mo ang sarap ng mabuhay at mapapaisip ka sa mga bagay bagay may kinalaman sa buhay. Ang mga tunog na nandito ay perpekto sa isa’t isa kaya masasabi mo talaga na ito ay isang napakagandang uri ng sining, kahit wala pa itong lyrics.

 

Naantig din  ang aking damdamin sa mensahe ng kantang ito. Ang bawat talata ay sadyang napakaganda at tila hinihipo nito ang aking puso upang baguhin ito at lalong gawing isang makabayan. Isinilang man siya sa panahon ng digmaan, hindi siya nag atubiling gampanin ang kanyang tungkulin sa ating Inang Bayan. Hindi siya natakot na harapin ang bawat pagsubok kahit gaano man ito kahirap. Naaalala ko dito ang ating mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating Bayan. Naisip ko din ang mga sundalong lumaban para sa ating kalayaan, hindi lamang noong panahon ng digmaan sa mga dayuhan, ngunit pati narin sa mga terorista gaya ng Maute group. Dahil dito ay aking napgtanto na buhay man ang kapalit, lahat ay aking gagawin para sa ating Inang Bayan.

 

Nasambit din sa kanta ang tungkol sa isang “rosas” na kanyang minahal. Ang babae ay tulad ng hardin na kanyang labis na hinangaan. Dahil ditto ay napaisip ako kung tunay bang hadlang ang digmaan sa dalawang taong nagmamahalan? Kaya tayo nagmamahal ng isang tao ay para may makasama tayo sa ating buhay, ngunit kung lagging pinaglalayo ng digmaan ang dalawang taong nagmamahalan, dapat pa bai tong ipaglaban o hayaan nalang na mawala o maghanap ng iba? Para sa akin, kung tunay mong mahal ang isang tao, handa mo siyang ipaglaban maging sa digmaan. Mas matimbang sa akin ang pag-ibig sa bayan kaysa sa romantikong pag-ibig. Sa kanta, lagi rin siyang nasasabik na makasama ang binibining na kanyang mahal, na ang kagandahan ay hinding-hindi malalanta o kukupas. Gandang “nahubog ng masa” na para sa akin ay nagsasabing siya ay simple at tipikal na dalagang pilipina na mahinhin at may magandang kalooban. Gaya ng lahat ng mahalaga sa atin, handa niya itong ingatan. Sino ba naman ang hindi mag-iingat sa taong mahal niya? Ako rin ay handing gawin ang lahat para sa mga mahal ko sa buhay. Ang mga mahal natin sa buhay ay ang kislap ng bituin na gumabagay sa atin sa gabing madilim. Mahirap man alamin ang tamang landas, lagi silang nariyan para sa atin.

 

Ang napuna ko lamang sa kanta ay ang paghahalintulad niya sa babae bilang rosas. Ito ay maaaring magbigay ng mensahe ng sexism. Gaya ng ibang mga bulaklak, ang rosas ay kailangan ng pag-aaruga ng iba upang mabuhay. Parang ipinahihiwatig nito na  mahina ang mga babae at hindi kayang lumaban para sa bayan o mabuhay ng mag-isa. Isa pa dito ay ang pariralang “hardin ng digma”. Tunay mang maganda at makatarungan ang ipinaglalaban sa isang digmaan, wala itong gandang gaya ng sa isang hardin na puno ng kagandahan at kapayapaan. Sa digmaan, hindi maiiwasan ang pagdanak ng dugo at kamatayan, na kailanman ay hindi maganda para sa alin mang panig. Bilang pagtatapos, nais ko lamang ipabatid sa lahat na sana ay huwag nating kalimutan ang pagmamahal sa bayan kahit nasaan man tayong sulok ng mundo.

Ekphrasis

Paano mo sasabihin sa mahal mo na mahal mo siya,

kung bawal mong sabihing “mahal kita”?

Sabi nga nila, “Action speaks louder than words”

Kaya maaari mong ipakita sa kanya ito gamit ang iyong mabuting pag-aaruga

 

Ganito rin ang puso ng ekphrasis

Kung saan tila mayroong isang sining na ikaw lang ang nakakita

Pero gusto mo itong “ipakita” sa iba

Gamit lamang ang sarili mong salita

 

Kasama na dito ang kulay, dimensyon, kagandahan, at natagong mensahe ng akda

na dapat mong maibuod sa pamamagitan lamang ng pagsulat o pagsalita

Marahil ito ay tila magulo pa sa iyong isipan

Kaya eto ang isang halimbawa para lubusang maindihan:

 

Itak sa Puso ni Mang Juan

By Delotavo

Ekphrasis

 

Tila isang hakbang nalang at kakawitin na

Ng tila-itak na dulo ng letrang “C” ang dibdib ng isang matanda

sa tapat nito ay tigmak ng pula

mga kulumpon ng dugong pumatak mula sa puso ng mama

 

Ang taong ito ay patungo sa kaliwa

Hikahos sa sinapit na tadhana

Hawak niya ang kanyang siko sa kanyang likuran

Habang siya ay tila patungo sa kawalan

 

Lahat ng kanyang lakas at kasiglahan

Sinipsip na ng kompanya ng Coke na tapat na pinaglingkuran

Ngunit lahat ng pagod ay parang hindi nakikita

Ng mga amo niyang sa isip ay puro pera

 

Hindi na niya kayang buhatin pa ang sariling bigat

Nakahukos, nakatingin sa lupang pinanggalingan

Tila tinatawag na siya upang kanlungin

At ang hapong katawan ay tuluyan ng mawawalan ng hangin

 

May kulay dugo sa pader sa gilid ng daan

Na kanyang tinatahak patungo sa kasaganahan

Ngunit tunay bang may patutunguhan

Ang pagod na kuripot kung suklian?

 

Ang dulo ng Letrang “C” sa “Coca-cola”

Nakatutok sa puso ng matanda

Habang sa pader ang dugo ay nagmantsa

Tanda ng sinapit na hirap ng manggagawa

 

Makakamtan pa kaya ang kasaganahan

Kung habambuhay lang na kontratahan?

Kung ang sahod lamang ay sobrang sakto

Paano pa kaya kung magkasakit ang mga tao?

 

Dahil ba “zero” and sugar sa produkto,

Kailangang “zero” din ang benepisyo?

Hindi ba pwedeng i-regular ang mga manggagawa

Upang hindi na maging kaawa-awa

Introduction

assorted color sequins
Photo by Sharon McCutcheon on Pexels.com

Ano ba ang sining?

Lahat ba ng saklaw ng iyong paningin ay isang  sining?

Lahat ba ng iyong nalalasap ay uri ng sining?

May hangganan ba ang sakop nito?

 

Noong ako ay bata pa

Nakatatak na sa isip ko na lahat ng bagay na gawa ng Diyos ay maganda

at lahat ng maganda ay sining

Kaya noon lahat ng bagay para sa akin ay sining

 

Ngayong pagtungtong ko ng kolehiyo

Nabago ang pananaw ko sa mundo

Lalo na sa pagkakakilala ko sa sining

Namulat ako sa tunay nitong ibig sabihin

 

Ang tunay na sining pala

ay gawa lang ng tao at pinag isipan niya

Dahil kahit na gaano kaganda kalikasan

Kung hindi ito ginalaw ng tao ay hindi ito isang sining

 

Para sa lubusan nating pag unawa

Labis na makakatulong ang halimbawa

Tulad ng mga sanga na nahulog sa lupa

Ito lamang ay magiging sining kapag inayos ng tao

 

Ang Isko’t iska na uri ng dula

ay sining dahil pinag isipan ng may-akda

may istoryang sinunod at inilathala

upang mapanood ng mga isko’t iska

 

Samakatuwid ang sining ay likha ng tao

Pinag-isipan, pinagplanuhan ng todo

Upang makapukaw ng damdamin

at ating pagnilay-nilayin